Showbiz News

Dingdong Dantes and Ruru Madrid both win the 'Best Drama Actor' award at the 31st PMPC Star Awards for Television

By Gia Allana Soriano

Kinilala sa recently held 31st PMPC Star Awards for Television ang husay sa pag-arte ng mga Kapuso leading men na sina Dingdong Dantes para sa 'Alyas Robin Hood' at si Ruru Madrid para sa paganap niya sa 'Encantadia.'

 

 

Nagpasalamat naman si Ruru via Instagram. Aniya, "Ako po ay lubusang nagpapasalamat sa Ama dahil sa talento na ibinigay nya sa akin at ngayo'y napapansin ng mga tao. Sa aking pamilya na walang sawa ang suporta na ibinibigay sa akin sa araw-araw sa pagbibigay inspirasyon sa akin magmula kila Dada, Mama, Rara, at Rere at sa lahat ng mga mahal ko sa buhay. Sa lahat ng bumubuo ng PMPC salamat po at sa mga RURUNATICS na nagmamahal sa akin ng sobra sobra. Mahal na mahal ko kayo wala ako dito sa kinatatayuan ko kung hindi dahil sa inyo, lahat ng parangal na natatanggap ko, [mga] proyekto, para sa inyong lahat 'yun. Mahal ko kayo sobra!"

 

 

Dagdag niya, "Sa bumubuo ng Encantadia, sa mga writers, Direk Mark na laging naniniwala sa aking kakayanan, Tita Winns, Ms.H, Direk Rommel, at sa lahat ng mga kapwa ko aktor na pamilya na ang turing ko, salamat! Sa GMA Network, Artist Center, at Direk Maryo salamat po sa tiwala na binibigay niyo sa akin! Sa aking tatay sa industriya, ang aking mentor Tatay Ipe (Philip Salvador) salamat po sa lahat ng tinuro niyo sa akin! Sa lahat ng bashers, doubters ko para rin sa inyo ito dahil kayo ang tumutulong sa akin para mas lalo kong galingan sa mga susunod kong proyekto. Salamat po! Ang parangal na ito ay inaalay ko sa aking namayapang lola... Nay, para sa inyo po ito mahal na mahal po kita!"

Magkasama ngayon si Ruru Madrid at ang Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa second season ng Alyas Robin Hood.

READ: 'Alyas Robin Hood' wins 'Best Drama Series' at the 31st PMPC Star Awards for Television