TV

WATCH: Gabbi Garcia at Ruru Madrid, balik-tambalan sa seryeng kasama ang talentadong aso na si Serena

By Maine Aquino

Balik-tambalan ang Kapuso love team na GabRu.

Sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia ay muling magsasama sa isang kaabang-abang na Kapuso series. Ayon sa ulat ni Cata Tibayan sa 24 Oras, ito ay para sa mga sumuporta sa tambalang GabRu.

Kuwento ni Gabbi, "Ito talaga, it's for the fans. I feel comfortable naman working with Ruru and I'm happy to be working again with him."

Makakasama rin nina Gabbi at Ruru ang bibong aso na si Serena. Ayon naman kay Ruru ay takot siya sa mga aso ngunit dahil sa lambing at talino ni Serena ay agad itong naging komportable. 

"Nakagat ako noong bata ako tapos habang lumalaki ako, iwas na ako sa dogs. When I met Siri (Serena). Grabe parang nawala lahat ng takot ko. Parang, minahal ko siya agad. Parang na-love at first sight ako sa kanya dahil sobrang bait niya. Sobrang talino niya."

Makakasama rin nina Gabbi at Ruru sina Aiai Delas Alas, Tonton Gutierrez, Matt Evans, Alyana Asistio, Kate Valdez at Janine Gutierrez.

Video courtesy of GMA News