TV

Tatlong online Kapuso shows, dapat abangan for 2018!

By Felix Ilaya

Talagang exciting ang pagsapit ng 2018 dahil may nakahandang not one, not two, but three online exclusive shows para sa Kapuso millennials!

Isa na riyan ang #Goals with Gabbi Garcia kung saan mapapanood ang videos ng Kapuso Golden Girl tungkol sa kaniyang #goals pagdating sa beauty, style, makeup, travel, and music.

Kaabang-abang din ang Adulting with Atom Araullo kung saan bibigyan tayo ng GMA Public Affairs host ng tips kung paano harapin ang mga responsibilidad gaya ng paghahanap ng trabaho, paglilipat ng bahay at pagtitipid sa budget. Papasukin din ni Atom ang larangan ng pag-ibig at magbibigay ng payo sa panliligaw, online dating at marami pang iba!

Last but not the least, dapat niyo ring panoorin ang Fact or Fake with Joseph Morong. Dito, tuturuan tayo ng Kapuso reporter ng ways kung paano maka-spot ng fake news online.  Ipapakita rin niya kung ano ang katotohanan sa likod ng mga balita sa pamamagitan ng fact-finding at research.

Mga Kapuso, abangan n'yo ang GMA ONE Online Exclusives na #Goals with Gabbi Garcia, Adulting with Atom Araullo, and Fact or Fake with Joseph Morong this 2018 sa GMANetwork.com at GMA Network's official YouTube account.