TV

LOOK: Yasmien Kurdi, may pasilip sa taping ng 'Hindi Ko Kayang Iwan Ka'

By Bianca Geli

May pasilip si Yasmien Kurdi sa taping ng inaabangang Kapuso teleserye na Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

Sa Instagram, may post si Yasmien kasama ang co-stars na sina Jackie Rice at Martin del Rosario.


Aniya, “Ava x Thea x Lawrence. Ang mga ka-chikahan ko lagi sa taping ng #hindikokayangiwanka Malapit na pala kami umere ngayong January... sa week ng birthday ko.”

Halos kasabay rin ng airing ng serye sa January 29 ang birthday ni Yasmien na January 25.

Dagdag ni Yasmien, “Salamat Lord sa magandang advance bday gift dahil nakatagpo ako ng masasayang katrabaho at mga kaibigan sa set... lalo na si Direk Neal na napakabait din... wala po akong masabi. Pag-pray niyo kami ha? Saka syempre manood po kayo. #gmaafternoonprime  woohooooo malapit na! Abangan niyo po kami sa mga guesting for promos.”