Showbiz News

WATCH: Mayor Herbert Bautista to Kris Aquino: 'Let's get married?'

By Marah Ruiz

Bilang tribute sa kanyang bagong kasal na helper na si Raquel Luntayao, ibinahagi ni Queen of All Media Kris Aquino ang video ng kasal nito sa kanyang official Youtube account. 

Bukod sa pagbibigay ni Kris ng payo kay Raquel at sa asawa nitong si Junaries Confesor, mapapanood din sa video ang ilang funny moments bago naganap ang civil wedding. 

Sa Quezon City Hall ginanap ang kasal at si Mayor Herbert Bautista pa ang nag-officiate nito.

Hindi naman pinalampas ng dating magkasintahang sina Kris at Mayor Herbert na magbiruan sa muli nilang pagkikita. 

Binati nila ang isa't isa sa isang friendly beso-beso. 

"Let's get married?" pabirong pahayag ni Mayor Herbert habang palakad sa hall kung saan idadaos ang kasal. 

"So Kris, do you take me here present as your lawfully wedded husband?" hirit pa ng mayor sa rehearsal. 

Pagkatapos ng kasal, tumuloy din ang mga hirit nila sa isa't isa. 

"Siya itinuloy niya yung kasal!" ani Kris habang nagpapa-picture. 

"Nandiyan ba si Judge?" sagot naman ni Mayor Herbert.

"We need a prenup, sorry!" muling hirit ni Kris. 

Panoorin ang kanilang funny exchange sa latest video ni Kris: