Showbiz News

WATCH: Marian Rivera, nakipagbeso-beso kay Karylle Tatlonghari?

By Gia Allana Soriano

 

Nagkita sina Marian Rivera, Dingdong Dantes at ang ex-girlfriend ni Dingdong na si Karylle Talonghari sa isang event, at napabalita ring nagbeso-beso ang dalawang aktres. 

Ani Marian, "Wala naman talagang problema sa akin since day one, eh. So, siguro ito 'yung tamang panahon para magkita kaming dalawa. At masaya dahil nagbatian naman kaming dalawa, at wala namang problema."

Dagdag ni Yan, "Mas maganda na good vibes lang at lahat magkasundo. At mas maganda talaga pag pinaiiral mo ang love."

Taong 2008 pa nang mag-break sina Dingdong at Karylle. Tulad ng Kapuso Primetime King, kasal na rin si Karylle sa lead vocalist ng Spongecola na si Yael Yuzon.  

Panoorin ang buong report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras: