
Magkahalong kilig at kaba ang naramdaman ni Kapuso singer Aicelle Santos sa press preview ng Himala: Isang Musikal nitong Biyernes, February 9.
READ: Aicelle Santos is beyond blessed to play Elsa in 'Himala: Isang Musikal'
Nasa audience kasi ang original cast ng natural musical play, pati na rin ang gumanap na Elsa sa pelikula na si Ms. Nora Aunor.
"May batang kinilig dahil ka-holding hands niya ang nag-iisang Superstar, Ms. Nora Aunor, ang tunay na Elsa ng Himala. Kinailangan kong magtago sa banyo para hindi marinig ang pangalan niya (para hndi kabahan) nang i-acknowledge ang mga guests bago magstart ang palabas. Abot langit pa lalo ang kaba dahil nanood ang original cast ng Himala musical, 15 years ago. Kaya naman masayang makita ang kanilang ngiti at matanggap ang mga yakap nila pagkatapos ng palabas. Mula sa buong Baryo Cupang, maraming salamat po sa lahat ng dumalo sa press preview!"
Mapapanood ang Himala: Isang Musikal mula February 10 hanggang March 4 sa Power Mac Center, Circuit Makati.