Showbiz News

MUST-READ: Mike Tan admits marrying his longtime non-showbiz girlfriend in secret ceremony

By Michelle Caligan

Binasag na ni Mike Tan ang kanyang katahimikan tungkol sa kumalat na balitang ikinasal na siya sa kanyang non-showbiz girlfriend for more than 10 years. Inamin ng Kapuso actor na naganap ang kasalan noong January 22 sa Rodriguez, Rizal.

READ: Mike Tan on marrying his non-showbiz girlfriend: "Eight years ago pa, napag-uusapan na"

Sa press conference ng kanyang upcoming show na Hindi Ko Kayang Iwan Ka, ikinuwento ni Mike na choice nilang dalawa ang hindi pagsasapubliko ng kanilang pag-iisang dibdib.

"Choice naming dalawa. She's a very private person, hindi siya artista. Ako 'yung artista, ako 'yung kumikita dito sa showbiz, ito 'yung work ko. I don't think kailangan pa siyang makita ng tao kasi ang kinakatakot ko rin, siyempre hindi naman natin kontrolado ang audience natin. Ayoko rin na may masamang masabi sa kanya na kahit ano pa. At the same time, 'yun din ang choice niya na huwag magpakita. Ako rin, ayoko siyang ipakita in public. Ayoko siyang madamay dun sa trabaho ko, kasi hindi naman siya binabayaran. Iba 'yung trabaho niya."

Hindi daw biglaan ang desisyon na ito dahil last year pa sila engaged, at pinaghandaan daw talaga niya ito.

"Pinaghandaan ko talaga siya. Siguro sa tagal namin, matagal ko na rin siyang pinaghahandaan. Kasi ang gusto ko sa amin, bago ko gawin, gusto ko handa ako. Dapat spiritually, mentally, and physically mature ako at kaya ko nang tanggapin lahat ng responsibilities na darating sa buhay namin. Kung mabuntis man siya, handa na rin ako."

Sa sobrang private ng okasyon, a week before the wedding lang daw nag-imbita si Mike ng showbiz friends. Ang kanyang kasabayan sa StarStruck na si CJ Muere lamang ang nakadalo.

"May mga in-invite din akong mga artista. Sa sobrang secret niya, a week before ko lang sila in-invite. Kung may time lang sila, sabi ko, pumunta sila. Talagang mostly family ko at family niya 'yung invited. Siyempre mga ninong at ninang. Iniingatan ko talaga na hindi ma-leak ang kahit anong info."

Dagdag pa niya, "Ayaw niya ng bonggang kasal, ayaw niya ng may camera na kasal. 'Yung wedding, no cameras talaga 'yun. Kung kayang respetuhin ng mga um-attend, talagang 'yung cameraman lang 'yung kumuha ng mga nangyari sa loob ng wedding."

Hindi naman daw niya balak gawing sikreto ang kanyang pagkakasal, lalo na kung may magtatanong.

"Ang sabi ko naman sa kanila at sa mga boss dito sa GMA, itatago ko siya. Pero kapag tinanong ako after that event, aaminin ko rin. Sasabihin ko."

Tags:
mike tan