Showbiz News

WATCH: Julie Anne San Jose, malayo ang estado ng love life sa bagong kanta na 'Nothing Left'

By Bea Rodriguez

 

Ibang-iba raw ang estado ng love life ni Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose sa kanyang chart-topping hit na 'Nothing Left.'

Inilabas na noong weekend ang music video ng kanyang bagong kanta na tungkol sa pagmo-move on. Isang mature na Julie Anne ang humuhugot sa video ngunit paninigurado niya, hindi ito ang kanyang pinagdadaanan sa kanyang love life ngayon.

“I don’t know how to relate to it now, but meron naman siguro sa punto ng buhay natin na nangyayaring mga ganoong bagay. But right now, I’m really happy and inspired,” bahagi ng singer-actress kay Aubrey Carampel sa Balitanghali.

Sa katunayan, masaya ang Valentine’s Day ng dalaga dahil magkasama sila ng kanyang boyfriend na si Benjamin Alves na nagpadala sa kanya ng flowers at love letter.

 

“Normal naman sa kanya [na] nagse-send siya ng love letters sa akin. Tinatago ko naman siya. Nakakatuwa lang talaga,” nakangiting sinabi ni Julie.

Samantala, hindi raw tungkol sa heartbreak lahat ng kanta ng Kapuso singer sa kanyang album. May isinulat rin siyang kanta para sa kanyang boyfriend.

Bago umalis si Ben patungong Thailand ay kinilig raw siya sa revelation ng dalaga, “Nakakakilig naman. I haven’t heard it yet so sana ‘pag na-record niya, mapakinggan ko.”