What's on TV

Mark Herras, excited na sa bago nilang project ni Jennylyn Mercado

By Bianca Geli
Published March 6, 2018 4:48 PM PHT
Updated March 23, 2018 6:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBB Collab 2.0: Kuya separates girls and boys; girls bring up concern on boys' green jokes
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News



Magka-katrabaho muli sa upcoming Kapuso soap na The Cure ang dating magka-loveteam na sina Mark Herras at Jennylyn Mercado.
 

A post shared by AngeloSantos (@angelosantosherras) on

 

Magka-katrabaho muli sa upcoming Kapuso soap na The Cure ang dating magka-loveteam na sina Mark Herras at Jennylyn Mercado.

Last year, naikuwento ni Mark ang mga dapat abangan sa kanila ni Jennylyn sa kanilang bagong programa.

Aniya,“I think may mga scenes kaming gagawin ulit ni Jen, pero so far wala pa.” ‘Yung mga eksena kasi namin…ako ngayon, with Ken and Arra, tapos siyempre si Jen with Tom.  Medyo hiwahiwalay pa kami hindi pa kami nagkikita kita ulit sa isang scene.”

Dagdag ni Mark, “I think naman darating at darating ‘yung time na ‘yun na may mga eksena kami together.

Naikuwento rin ni Mark na okay lang naman sa girlfriend niyang si beauty queen/actress Wynwyn Marquez na magkatrabaho sila muli ni Jennylyn sa isang show. “No, that’s work eh. Trabaho ‘yan eh, wala naman kaming dapat ipagpaalam. Wala naman dapat maging problema, I mean ako working again with Jen.

“I’m happy with Wyn, so there’s no issue naman na kailangan pag-usapan or kailangan problemahin, like ako, hindi ko na kailangan humingi ng permiso kay Wyn to work with Jen kasi taga-showbiz din siya and at the same time, wala naman talaga dapat maging problema.”

Excited na rin daw si Mark sa magiging role niya sa The Cure at sa Afternoon Prime na Contessa. Naging part po ako ng Contessa for a very short time, at siguro pag napanood nila maiintindihan nila ‘yung role ko kung bakit ganun ako ka-excited. I’m thankful and happy ako sa GMA kasi sinama ako sa Contessa and at the same time binigyan pa ako ng isang show na alam kong magiging malaki rin in the future like itong The Cure. I’m looking forward talaga and sana po ma-appreciate po ng tao ang The Cure."

Mark Herras, gusto maging kontrabida para sa 'The Cure'