Showbiz News

UPDATE: 'Pinoy Sakuragi' Marc Pingris, makapaglalaro pa ba matapos ang injury sa PBA Semifinals game?

By Aedrianne Acar

Larawan ng katatagan ang Magnolia Hotshots veteran forward na si Marc Pingris matapos magtamo ito ng injury last Saturday, March 10 nang nakasagupa ng kaniyang team ang NLEX Road Warriros sa kanilang semifinal series.

#GilasDown: Marc Pingris, nagawa pang magpatawa matapos ma-injure sa PBA Semifinals game

Naglabasan na rin ang reports sa ilang news websites at kinumpirma na nagtamo siya ng Anterior cruciate ligament (ACL) injury at maaring aabutin ang kaniyang recovery ng anim hanggang sa walong buwan.

Sa kabila nito, nag-post si Marc sa kaniyang Instagram account ng pasasalamat sa lahat ng nagdasal. Aminado ito na matindi ang pinagdadaanan nilang pamilya pero mananatili silang matatag.

“Family time salamat pala sa lahat ng nag dasal para sa family ko mapa players, fans, coach, friends salamat sa lahat lord salamat at di mo kami pinabayaan  kahit may pinag dadaanan kami ngayon di kami bibitaw alam ko may plano ka para sa akin #godisgoodallthetime #pusongpingris #imok #pinoysakuragi15.”

 

Nakilala si Marc sa Philippine Basketball Association bilang Pinoy version ng anime character na si Hanamichi Sakuragi sa sikat na “Slam Dunk” series.

Bumuhos naman ang simpatiya ng mga mahal sa buhay at kapwa atleta ni Marc matapos siyang ma-injure.