Showbiz News

Patricia Tumulak, ibinahaging masaya ang Dabarkads sa kanyang pagpirma bilang Kapuso star

By Maine Aquino

Hanggang ngayon ay hindi pa rin umano makapaniwala si Patricia Tumulak na isa na siyang ganap na Kapuso. 

Si Patricia ay unang sumikat bilang isang Dabarkads sa Eat Bulaga at ngayon ay ipinakilala na bilang isa sa mga bagong launch na GMA Artist Center talents.

Kuwento ni Patricia, magkahalong kaba at saya ang kanyang nararamdaman ngayon na isa na siyang Kapuso. "Up to now kinakabahan pa rin ako, at the same time hindi pa siya nagsi-sink in. Pero this is a good start for the year and a good birthday gift din because I just celebrated last month. So, what a way to start the year."

 

Wala pa mang ibinibigay na clue si Patricia sa mga proyektong kanyang gagawin sa GMA Network ay inilahad niyang tatanggapin niya ito bilang isang challenge para mahasa ang kanyang talento. Aniya, "Challenge accepted, I'm up for challenges and since hosting ako back then siguro try natin different ano, more on acting but there's always a room for improvement. I still need to enhance or hone my acting skills."

IN PHOTOS: Newly-signed talents of Artist Center na aabangan this 2018!

Ibinahagi naman ni Patricia na kahit hindi na siya napapanood sa Eat Bulaga ay "Forever Dabarkads" siya na nag-expand lang bilang isang Kapuso. Bukas pa rin umano ang kanilang komunikasyon dahil sa kanilang nabuong pagkakaibigan. 

"Up to now, I still keep in touch with them. Forever Dabarkads ako and then Kapuso na rin at the same time."

Dagdag niya pa ay umaasa siyang mabigyan ng proyekto kung saan makakasama niya ang mga dati niyang katrabaho. 

"Hopefully I will be working with them soon, it would be better sana. I still keep in touch and happy rin sila for me."