Showbiz News

EXCLUSIVE: Wendell Ramos, payag bang pumasok sa showbiz ang anak na si Wendell Saviour?

By Jansen Ramos

Unti-unting nakikilala ang panganay na anak ni Wendell Ramos na si Wendell Saviour dahil kuhang-kuha nito ang kanyang looks at physique. 


Bukod dito, talented din si Saviour at nahihilig sa pagkanta. Mahigit 11,500 na rin ang kanyang followers sa Instagram. Sa katunayan, nakapag-guest na rin siya sa isang talk show sa kabilang istasyon. Curious tuloy ang marami kung payag ba si Wendell na pumasok ang kanyang anak sa showbiz? Tugon niya sa isang exclusive interview, "I'm very proud to say na I'm a part of show business so, bakit ko ipagkakaila sa anak ko 'yun? As long as he's going to finish his studies. walang problema."

Very supportive ang hunk actor dito at tinuruan pa niya itong mag-project sa harap ng camera base sa kanyang Instagram post nitong nakaraang Enero.


Bukod kay Wendell Saviour, may dalawa pang anak si Wendell na sina Dedell Saviour at Tanya.