Showbiz News

READ: Xian Gaza, nakakulong na

By Cherry Sun

Ang minsang naging viral na si Christian Albert Gaza o  Xian Gaza ay sumuko na sa mga pulis kasunod ng ilang warrant of arrest kaugnay diumano ng kanyang panloloko sa mga investors.

Marami ang nakapansin kay Xian mula nang ayain niya makipag-date sa kanya ang aktres na si Erich Gonzales sa pamamagitan ng isang billboard. Pero, ayon sa mga reports,  lumalabas na mas kilala pala siya bilang isang big-time na scammer.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, inanunsyo ni Xian na susuko na siya ngayong araw (April 12, 2018) sa awtoridad.

 

Pag-amin ni Xian, sa murang edad na 14 ay nagsimula na siya bilang isang networker at nalulong na sa pagsa-scam sa edad na 18. Mula raw noon ay nakatanggap na siya ng 47 NBI at court subpoenas at 7 warrants of arrest.

Natuto na raw siya sa kanyang panloloko at may mensahe sa mga taong nagtatrabaho sa networking.

Aniya, “It’s already year 2018, I hope that you’ll all stop manipulating these young innocent minds using the same brainwash system that enslaved us years ago. Liberate their minds from your materialistic indoctrination where life is all about money, luxury, glory, fame and power. Teach them the real meaning of success, that it’s all about happiness —and true happiness is all about peace in all the aspects of their lives.”

 

Natanggap na rin ni Xian ang kanyang kapalaran. Bago pa man siya sumuko at nakulong ay naghandog na siya ng isang awit.