Showbiz News

WATCH: Rhian Ramos, mapapanood sa dalawang upcoming action films

By Marah Ruiz

Ibang-iba ang upcoming projects ni Kapuso actress Rhian Ramos mula sa katatapos lang niyang sexy romantic comedy na The One That Got Away.

Nakatakda kasi siyang mapanood sa dalawang upcoming actions films.

Ang una ay ang The Trigonal na nag-premiere na sa Cannes Film Festival, ngunit magkakaroon ng local release. 

"The trained me. I had a nice, very long fight scene which all my other co-stars helped me with," aniya tungkol sa pelikula. 

Tinatapos na rin niya ang pelikulang 72 Hours kung saan makakasama niya si actor politician Jolo Revilla. 

Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras Weekend: