Showbiz News

Lolit Solis lauds Direk Dingdong Dantes

Puro papuri ang nasabi ng veteran reporter at showbiz manager na si Lolit Solis tungkol kay Dingdong Dantes at sa pagiging direktor nito sa anniversary special ng 'Tadhana.'

LOOK: DongYan's 'Tadhana' episode trends on Twitter!

Ayon kay Nanay Lolit, alam ng lahat na mahusay na aktor si Dingdong, pero hindi niya akalain na magaling din palang direktor ang Kapuso Primetime King. 

"Hindi natin nakita na puwede pala siyang maging isang mahusay na director din in the future. Ang ganda ng mga shots niya sa Tadhana, at maganda ang cutting niya sa mga eksena," ang panimula ni Nanay Lolit sa kanyang mahabang post sa Instagram.

Dagdag pa niya, buong akala ng marami, mahihirapan si Dingdong sa pag-direk kay Marian.

"Mahirap para sa kanya na maging director ng asawa niyang si Marian Rivera, dahil ‘di ba kahit paano may bias ka pag mahal mo ang katrabaho mo. Pero in the case of Dingdong, nagawa niya na ang direction niya ang masunod at hindi personal na atake. Actually he get (sic) the best shot of Marian na nakatulong para madala ka sa eksena."

Dingdong Dantes on directing Marian Rivera's 'Tadhana' episode: "I saw a different kind of Marian"

Sa huli, iminungkahi niya na bigyan pa ng ibang directorial jobs si Dingdong para lalo pang mahasa ito.

"More assignments pa, sure ako Dingdong will come out to be a good director. Isa siyang mahusay na actor, may mata sa detalye at makikita mo na malawak ang utak sa magandang materyal. Whatever he does nandun ang passion kaya naman feel mo ang ginagawa niya at gustong iparating. Nadarama ng audience niya. Good work Direk Dingdong Dantes.