Showbiz News

#BlastFromThePast: Paolo Ballesteros, ipinasilip ang kaniyang tukmol days

By Aedrianne Acar

Maraming natuwa nang mag-post ang award-winning actor na si Paolo Ballesteros ng kaniyang throwback photo sa Instagram.

Paolo Ballesteros reveals on Instagram his spine problem

Makikita ang throwback photo ng Eat Bulaga host na kuha noong teenage years pa lamang niya kung saan nakasuot siya ng basketball jersey.

May mahigit sa 16,000 likes ang naturang post na ito ni Paolo.

Sunod-sunod namang nag-comment ang Dabarkads niya na sina Ruby Rodriguez at Allan K.

Nag-react din ang kontrabida star na si Jay Manalo sa kuwelang throwback photo ng King of Makeup Transformation.