Showbiz News

MUST-READ: Dingdong Dantes, nagbigay na ng pahayag tungkol sa kanyang pagpasok sa pulitika

By Cherry Sun

Kasabay ng opisyal na pahayag ni Dingdong Dantes tungkol sa kanyang political plans ay ang pagkumpirma ng pagbubuntis ng kanyang asawang si Marian Rivera.

JUST IN: Marian Rivera confirms second pregnancy

Batid ni Dingdong na marami ang nagtatanong at nag-aabang kung siya nga ba ay tatakbo sa paparating na eleksyon. Kaya naman, minarapat ng Kapuso Primetime King na pag-isipan ng mabuti ang kanyang mga susunod na hakbang.

Aniya, “Kung gagawa ako ng malaking hakbang para sa darating na halalan, hindi lamang isang simpleng decision-making ang dapat kong pagdaanan. I should be able to discern His Will and seek guidance."

"And in the process of my discernment, I received His response in the most surprising and beautiful way. With overflowing joy, Marian and I are happy to share with everyone that we have been blessed with another child! Natupad na rin ang matagal nang dasal naming mag-asawa, lalung-lalo na ni Zia,” patuloy niya.

Hindi naman daw tinatalikuran ni Dingdong ang posibilidad na pasukin niya ang pulitika ngunit mas malinaw daw ngayon kung ano ang nangunguna sa kanyang priorities.

Paliwanag niya, “At sa kabila ng buong suportang ibibigay sa akin ni Marian, ng buong pamilya, at mga kaibigan sa anumang desisyon ko sa pagsabak sa pulitika, malinaw sa akin na sa panahong ito ay kailangan kong maging buo para sa aking pamilya. My discernment revealed what is truly important in my life - panahon ito para suportahan ang pagdadalang-tao ng aking asawa.”

“I know that, at this point, I am being redirected to my reason of creation - my family. My humble service to the public will continue and it could take a different form or level in the future; but first, I have to ensure that my home is protected and secured before I can take care of others,” sambit din niya.

Tinapos niya ang kanyang official statement na puno ng pagpapasalamat sa lahat ng nagpapakita ng suporta at pagmamahal sa kanyang pamilya at pati na rin siya kanyang adbokasiya.