Showbiz News

WATCH: Beauty vlogger Raf Juane, aminadong nagparetoke para tumaas ang kumpiyansa sa sarili

By Jansen Ramos

Mahalaga para sa YouTube vlogger na si Raf Juane na maging confidently beautiful sa harap ng camera.

WATCH: Kris Bernal and beauty guru Raf Juane take on the 'How Not To Ruin Your Lipstick' challenge

Sa panayam ng 24 Oras, ibinahagi ni Raf na nagparetoke siya ng ilong para tumaas ang kanyang kumpiyansa sa sarili.

Aniya, "Na-nonotice ko sa sarili ko na wala akong pinopost na hindi edited, like oftentimes ine-edit ko talaga 'yung width ng nose ko."

"Naisip ko para mas maging confident with myself, kailangan kong gawin 'yung cosmetic surgery."

Bukod sa pagpaparetoke ng ilong, nagpapaputi rin ang 22-year-old vlogger sa pamamagitan ng glutathione at naiisip na rin daw niyang magpa-contour ng cheekbone.

Una nang inamin ni Raf na sumailalim siya sa cosmetic surgery sa kanyang vlog noong Agosto.

Panoorin ang buong report:

EXCLUSIVE: Beauty vlogger Raf Juane reveals reason why he looks up to Kris Bernal