Showbiz News

Iwa Moto, humingi ng tulong sa social media

By Maine Aquino

May panawagan si Iwa Moto sa kaniyang mga followers sa social media.


Ayon kay Iwa ay mayroong gumagamit ng kaniyang larawan para makapangloko ng ibang tao.

Aniya, "At first dedma lang ako. Kasi baka natuwa lang siya sa 'kin. Pero nakakainis na eh. Ang daming taong nag-message sa 'kin na she's using my picture. Ang matindi pa akala mo siya talaga kasi 'yung caption iniiba pa!!!!"

Ang ikinakatakot umano ni Iwa ay baka gamitin ang kaniyang larawan para sa masamang gawain.

"Ang nakakatakot baka nanloloko siya ng ibang tao using my pic! Pls help po!! Paki report!!!! Update: Di ko na siya makita sa FB. Not sure if blocked ako or kumilos na sa FB."

Tags:
iwa moto