
Pumayag na ang celebrity parents na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na sumabak sa showbiz ang kanilang anak na si Zia pero kailangan magtapos muna siya ng kaniyang pag-aaral.
Kuwento ni Marian, isang beses ay sinama niya sa set ng Sunday PinaSaya si Zia at sinabi nito gusto niyang mapanood ang kaniyang sarili sa TV.
“Kung ano ang gusto niya, okay naman kami ni Dong as long as magtapos muna siya ng pag-aaral parang ako.”
Inamin ni Marian na ready na silang pamilya sa pagdating ng bagong baby at kumpleto na ang mga damit nito.
“Nakakatuwa, nakatipid ako ngayon kasi siyempre ang dami kong na-recycle from Zia na mga gamit,” ani Marian.
Tapos na rin silang magpa-4D ultrasound at ayon kay Marian, kamukha ni Dingdong ang kanilang magiging anak.
Panoorin ang buong report ng 24 Oras:
Video courtesy of GMA News