TV

WATCH: Jasmine Curtis-Smith, excited sa konsepto at karakter niya sa 'Sahaya'

By Aaron Brennt Eusebio

Masaya si Kapuso actress Jasmine Curtis-Smith sa kanyang professional at personal na buhay.

Jasmine Curtis

Panibagong hamon sa kanya ang kaniyang role sa Sahaya, kung saan gaganap siya bilang isang Badjaw.

"GMA was able to give me a few dance workshops na I attended para maaral 'yung specific dance na isasayaw ko para sa courtship/wedding dance ng mga Badjaw, "saad ni Jasmine.

WATCH: Jasmine Curtis-Smith, masaya sa mga natututunan sa 'Sahaya'

Excited din si Jasmine sa konsepto ng Sahaya, kung saan iikot ang istorya sa kultura ng mga Badjaw.

"We are discovering the culture of the Badjaw tribe and more than that, kung ano ba 'yung story nila," ani Jasmine.

"Syempre may sarili na tayong pananaw kung ano o kung paano ang pamumuhay ng mga Badjaw but sobrang konti pa pala ng tunay nating alam about their real life."

Kamakailan lang ay pumunta si Jasmine at ang kanyang boyfriend na si Jeff Ortega sa the Netherlands para i-celebrate ang kanilang anniversary at ang Valentine's day kaya naman sumabak siya sa "caption this photo challenge" ng Unang Hirit.

Alamin kung anu-ano ang mga nakakakilig na caption ni Jasmine sa kanilang sweet pictures ni Jeff sa report na ito: