
Gagawin ng isang ama ang lahat madugtungan lamang ang buhay ng kaniyang anak.
Puno ng pagmamahal ang ginagawang mga banana cake ng isang dakilang ama para sa kaniyang anak na nasa bingit ng kamatayan.
Kamakailan, isang litrato ang nag-trending at umantig sa puso ng netizens.
Ito ay ang litrato ni Antonio Detablan na akay-akay ang kaniyang walong-buwang sanggol na si Aki habang nag-titinda ng banana cake sa tabi ng kalsada
Diagnosed na may biliary atresia si Aki, at maaring hanggang dalawang taon lang mabuhay.
Dating tumutulong sa bakery ng kaniyang kapatid si Antonio. Nang ma-bankrupt ang bakery, nagsumikap si Antonio na magpatuloy sa pamamagitan ng paggawa ng banana cake. Ibinebenta niya ito para makalikom ng pera para sa liver transplant ng kaniyang anak.
Nasa P1,440 ang kinikita ni Antonio sa isang araw sa pagbebenta ng banana cake. Kailangan niya ng P1.6 million para sa operasyon ni Aki.
Nagtungo ang Kapuso Mo, Jessica Soho sa Calamba, Laguna, para makapanayam ang pamilya Detablan.
Ayon kay Antonio, “Siguro kahit po mag-hapon akong mag-titinda ng banana cake hindi po kikitain 'yun, pero sige hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa, sige lang po, laban.”
Para sa mga nais tumulong:
BDO Calamba Crossing - North Branch
Account name: Aquiro Jazz G. Detablan
Account number: 005910516001
Panoorin ang buong istorya ng mag-amang Antonio at Aki sa KMJS:
Jessica Soho on her trending taglines: "Nakakapressure rin."
IN PHOTOS: Jessica Soho inks exclusive contract with GMA Network anew