Showbiz News

Abangan ang android oppa sa 'Are You Human?'

Kaya mo rin bang magmahal ng isang android?

Seo Kang Joon

Mula nang mawalay sa kaniyang anak na lalaki na si Nam Shin (Kang Seo Joon), gagawa ng AI (artificial intelligence) android si Dr. Laura Oh (Kim Seung Ryung) na hawig sa kaniyang nawalang anak.

Magku-krus muli ang landas ng mag-ina, ngunit mauuwi ito sa trahedya nang ma-comatose si Nam Shin. Para protektahan si Nam Shin, iipapalit ni Dr. Oh ang android na si Nam Shin III (Kang Seo Joon) at ito ang magiging tagapamahala ng kanilang mga negosyo.

Iha-hire ni Dr. Laura Oh ang palaban na babaeng si Shannon (Gong Seung Yeon) bilang bodyguard ni Nam Shin III. Hindi nagtagal ay unti-unting napapalapit ang loob ni Shannon kay Nam Shin III. Lingid sa kaalaman niya, isa pala itong android.

Magising pa kaya ang tunay na Nam Shin? Mahalin pa rin kaya ni Shannon si Nam Shin III kapag nalaman niyang android ito?

Tunghayan ang bagong kakikiligan ninyong oppa na si Kang Seo Joon (mula sa Cheese in the Trap) bilang Nam Shin/Nam Shin III sa pinakabagong Koreanovela mula sa GMA Heart of Asia. Abangan ang Are You Human?, malapit na!