What's Hot

WATCH: Gabbi Garcia at Thea Tolentino, sumailalim sa iba't ibang training para sa upcoming action series

By Cara Emmeline Garcia
Published May 29, 2019 10:50 AM PHT
Updated May 29, 2019 11:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi | December 19, 2025
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News



Mula sa pagkilala ng mga bahagi ng isang baril, sa wastong paghawak nito, hanggang sa firing at target shooting training, masusing inaral ito nina Gabbi Garcia at Thea Tolentino para sa kanilang upcoming drama action series sa Kapuso network.

Mula sa pagkilala ng mga bahagi ng isang baril, sa wastong paghawak nito, hanggang sa firing at target shooting training, masusing inaral ito nina Gabbi Garcia at Thea Tolentino para sa kanilang upcoming drama action series sa Kapuso network.

Gabbi Garcia & Thea Tolentino
Gabbi Garcia & Thea Tolentino

Ang nagtuturo mismo sa kanila ay ang three-time speed shooting champion na si Jethro Dionisio.

healthier self, here i come.

A post shared by Gabbi Garcia ♡ (@gabbi) on

WATCH: Gabbi Garcia aims to break stereotypes with new role

Maliban sa target shooting, todo-sabak din si Gabbi sa gym para mag-ensayo ng High Intensity Interval Training (HIIT) para paghandaan ang upcoming project.

“Sabi kasi nila ito ay eighty percent action and twenty percent drama,” aniya.

“So, I'm really thrilled and honored na mabali 'yung typecasted notion natin na only guys can do action and only guys can hold a gun.

“Parang it's such a great honor for us to be representing that kind of action star.”

LOOK: Gabbi Garcia is turning into a sharpshooter

healthier self, here i come.

A post shared by Gabbi Garcia ♡ (@gabbi) on

Si Thea naman, sumabak sa isang knife-fighting training kasabay ng kaniyang target shooting practice.

Pahayag ni Thea, “Nakakaba pala at talagang kinakabahan ako. Kasi nakaka-stress siya kapag pinangungunahan mo 'yung recoil [ng baril].

“Pero excited na ko para sa bagong show.

“Dito talaga mate-test 'yung skills namin sa acting kasi 'di lang ito drama, may kasamang action din.”

Gabbi and I were trained under the world champion @jet_dionisio for gun handling the other day! 🙌 Excited na ko at kinakabahan para sa bagong GMA Telebabad show! 💃 --- Isa sa mga natutunan ko sa gun handling ay huwag pangunahan ang sarili (in general😂) Huwag pangunahan na puputok agad yung baril. Nakakastress pala. 🤣

A post shared by 𝐓𝐡𝐞𝐚 𝐓𝐨𝐥𝐞𝐧𝐭𝐢𝐧𝐨 (@theatolentino) on

Panoorin ang buong chika ni Cata Tibayan: