
Dating masaya at buo ang pamilya ni Rheann, pero sa isang iglap, nagbago ang lahat.
In-upload ng guro ng Grade 4 student na si Rheann ang kuwento ng bata sa social media para maibahagi ang istorya ng kaniyang munting estudyante na naulila na. “Ipinost ko 'yun para kay Rheann kasi he needs a warm hug from the world,” saad ng guro na si Arnold Cuevas.
Nagulat ang mga kaklase ni Rheann nang ibahagi niya sa isang class project ang istorya ng kaniyang pamilya. Sa nasabing project, ipinakita ng mga Grade 4 students sa paaralan nina Rheann ang kanilang family picture.
Ani Rheann, “Ang aking pamilya, ngayon ay nasa heaven na…”
“Nasa Heaven na sina Mama at Papa…sina Kisha at Raven. Ako na lang mag-isa. Miss na miss ko na sila,” dagdag niya.
Napakasaya raw ni Rheann noong kasama ang kaniyang ama, ina, at dalawang kapatid bago maudlot ang lahat dahil sa isang trahedya.
Ngunit lumipat sa Isabela ang pamilya ni Rheann nitong June 2018 para doon na makipagsapalaran, habang si Rheann, pansamantalang naiwan sa Davao kasama ang kaniyang tiyahin para tapusin ang school year.
Nitong Marso, nakatanggap ng tawag sina Rheann tungkol sa sinapit ng kaniyang pamilya. Namatay sa isang sunog sa Isabela ang pamilya ni Rheann.
Ano nga ba ang nangyari kay Rheann? Tunghayan sa Kapuso Mo, Jessica Soho:
KMJS: Ang jackpot na money dance
'KMJS': Ang makulay na love life ni Jojo