TV

Rita Daniela at Ken Chan, may new look para sa 'One of the Baes'

By Bianca Geli

Naging kakaiba ang pictorial para sa bagong rom-com series na One of the Baes ng GMA Public Affairs na pagbibidahan nina Rita Daniela at Ken Chan.

Rita Daniela at Ken Chan

IN PHOTOS: 'One of the Baes' cast pictorial

Gaganap si Rita bilang isang estudyante sa isang marine school habang si Ken ay isang environmental vlogger.

Pansin ang bagong look ng dalawa para sa upcoming primetime drama.

“Nakakatuwa kasi hindi pa kami nagsisimula marami na nagsasabi na bagay daw sa akin 'yung uniform so na-e-excite ako,” saad ni Rita.

Si Ken naman, new look dahil sa kaniyang gray hair. Aniya, “Nakakapanibago. Actually si Rita 'yung tumulong sa akin. Siya 'yung pumili ng kulay kung anong shade.”

LOOK: Ken Chan says hello to a new hairdo for upcoming role

Dagdag ni Ken, inaasahan na nilang maaaring maging maaksyon ang ilang eksena nila bilang hango sa maritime industry ang istorya ng One of the Baes. “Most of our scenes puro sa tubig, barko, cruise, boat, tatalon sa dagat,” sabi ni Ken.

Matapos ang My Special Tatay, naging mas close raw sina Ken at Rita kaya wala raw silang nakikitang problema sa kanilang bagong show.

Ani Ken, “Wala na akong maitatago kay Rita. Alam niya na lahat.”

Sagot naman ni Rita, “Ako rin naman ganun alam niya na lahat ng nangyayari sa buhay ko.”

Panoorin ang video:

Abangan si Rita bilang si Jowalyn at si Ken bilang Grant sa One of the Baes, ngayong September na sa GMA Primetime.

Rita Daniela at Ken Chan sumayaw sa EDSA para sa 'One of the Baes'