Showbiz News

WATCH: 'CoLove' nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, dadalhin na sa concert stage

By Cara Emmeline Garcia

Marami-raming subscribers and fans ang naantig sa ganda ng “CoLove” segment sa YouTube channel ng Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado kasama ang kasintahan nitong si Dennis Trillo.

Dito sa segment, kinakanta nila ang kanilang rendition ng popular '80s at '90s music.

Dahil sa dami ng tagasubaybay nito, plano na raw nilang dalhin sa big stage ang CoLove.

“Sa February 15 [2020], dadalhin namin 'yung CoLove na YouTube sa stage,” saad ni Jennylyn.


Kamakailan, nagpatikim ang dalawa ng kanilang talento sa isang mini concert sa LRT-1 Roosevelt Station.

Dito nagpanggap ang magkasintahan bilang blind singers at lahat ng nalikom nilang pera sa naganap na live CoLove session ay ipinagkaloob sa mga PWDs na araw-araw nag-pe-perform sa istasyon.

Panoorin:

LOOK: Jennylyn Mercado and Dennis Trillo bring 'CoLove' to LRT Roosevelt

WATCH: Jennylyn Mercado and Dennis Trillo cover "Finally Found Someone" for CoLove