Showbiz News

Netizens and celebs cheer for Isabelle de Leon as she competes in Miss World Philippines 2019

By Aedrianne Acar

Laban Duday!

Isabelle de Leon

Ito ang sigaw ng mga supporter ng former Daddy Di Do Du actress na si Isabelle de Leon sa pagsali niya sa 2019 Miss World Philippines pageant.

Michelle Dee, Kelley Day and Isabelle de Leon talk about celebrities joining pageants

Isa ang former child star sa lalaban para masungkit ang korona ng Miss World Philippines at ilan sa makakalaban niya ang co-celebrities na sina Kelley Day at Michelle Dee.

Bumuhos ang suporta mula sa ilang artista tulad nina Rufa Mae Quinto at Sugar Mercado na hangad ang pagkapanalo ni Isabelle.

Marami ring netizens ang naniniwala na kaya ng actress-singer na iuwi ang korona ng Miss World Philippines.