Showbiz News

WATCH: Aga Muhlach, sinong Kapuso leading lady ang gustong makatambal?

By Felix Ilaya

Dream come true para kay Arnold Clavio ang makapanayam ang showbiz icon na si Aga Muhlach sa Tonight With Arnold Clavio.

Extra special pa ang kanilang interview dahil ito ay regalong handog ng TWAC team para sa kaarawan ng Kapuso anchor.


Siyempre, hindi pinalampas ng TWAC host ang pagkakataon na matanong at makipaglaro sa batikang artista. Isa nga sa mga tinanong ni Igan kay Aga ay kung sino ang nais niyang makatambal na Kapuso leading lady.


Maliban sa pagbisita kay Igan para sa birthday nito, nag-promote rin si Aga ng kanyang upcoming films. Showing ang kanyang pelikulang "Nuuk" ngayong November at parte naman ang Philippine adaptation ng "Miracle in Cell No. 7" sa Metro Manila Film Festival.