Showbiz News

Kyline Alcantara balik-music scene via 'Paalam Na'

Maagang pamasko ang handog ng Kapuso Breakout Star na si Kyline Alcantara para sa kaniyang 'sunflowers' sa pagbabalik niya sa music scene!

Matapos ang kaniyang self-titled album noong nakaraang taon, muling nag-release si Kyline ng revival single sa ilalim ng GMA Music na pinamagatang 'Paalam Na.'

Ayon kay Kyline, “For this song, nagamit ko talaga 'yung background ko sa acting to draw emotion while singing since medyo deep and about hurting siya. I haven't felt that before kaya naman I need to be an actress also while singing.”

Ang 'Paalam Na' ay mula sa komposisyon ni Mikee Misalucha na naka-trabaho rin ni Kyline para sa kaniyang first-ever single noon na 'Fake Love.'

Lubos na ikinatutuwa ni Kyline ang panibagong blessing sa career niya, “I'm so happy and blessed. I always wanted to sing and to perform and now that I was blessed to have an opportunity to showcase it is just wonderful. I'm just so happy dahil may bago na naman aabangan ang mga Kapuso natin.”

Available na sa Apple Music, Spotify, at iba pang digital streaming platforms worldwide ang 'Paalam Na.'