advertisement
Showbiz News

IN PHOTOS: Ang mga Babae sa Buhay ni Alden Richards

1 of 20

Rosario Faulkerson

Si Rosario Faulkerson, ina ni Alden Richards, ang nangungunang babae sa buhay ng Pambansang Bae.

2 of 20

Mom

Ang mommy ni Alden ang nangarap para sa kanya na pasukin ang mundo ng showbiz. Nananatili siyang inspirasyon ng Asia's Multimedia Star sa kabila ng kanyang pagpanaw.

3 of 20

Lola Linda

Tumayong ina ni Alden Richards sa kanyang buhay ang kanyang Lola Linda.

advertisement
4 of 20

Lola

Dahil daw sa kanyang lola, hindi naramdaman ni Alden na wala na sa mundo ang kanyang ina. Kaya naman, sinusuklian din ni Alden ng pagmamahal at pag-aaruga si Lola Linda.

5 of 20

Riza Faulkerson

Isa pang mahalagang babae sa buhay ni Alden ang kanyang younger sister na si Riza Faulkerson.

6 of 20

Sister

Hindi maikakaila ang closeness nilang dalawa. Si Alden din ang nagsikap para tulungang makapagtapos ng pag-aaral si Riza.

advertisement
7 of 20

Mama Ten

Sa isang video interview ay binanggit ni Alden ang kahalagahan ni Mama Ten sa kanyang buhay.

8 of 20

PA and handler

Tumatayong personal assistant at handler ni Alden si Mama Ten, ngunit kaibigan at pamilya ang turing niya sa kanya.

9 of 20

D'Explorer Sisters

Malaki rin ang bahaging ginampanan ng mga D'Explorer sisters na sina Lola Nidora, Lola Tidora, at Lola Tinidroa sa buhay ng Pambansang Bae.

advertisement
10 of 20

Kalye's Angels

Ang kanilang pagiging Kalye's Angels ay naging tulay din para magbahagi ng aral sa 'Eat Bulaga,' at naging bahagi ng tagumpay ni Alden.

11 of 20

Maine Mendoza

Ang di-inaasahang pagtatambal nina Alden at Maine Mendoza ang nagdala sa tugatog sa dalawang artista. Dahil sa kanilang love team ay nagsimula ang isang phenomenon na kinahumalingan at minahal ng milyon-milyon.

12 of 20

AlDub

Hindi maitatangging nakilala at minahal natin si Alden bilang ang Pambansang Bae dahil sa AlDub love team. Wala man silang kinukumpirma o itinatanggi, alam nating masaya si Alden dahil na rin kay Maine.

advertisement
13 of 20

Kathryn Bernardo

Nakatambal ni Alden Richards si Kapamilya actress Kathryn Bernardo sa pelikulang 'Hello, Love, Goodbye.'

14 of 20

'Hello, Love, Goodbye'

Sa kanilang pagdalo sa 'Unang Hirit,' isinaad ni Alden Richards na na-intimidate siya kay Kathryn sa naganap na story conference nila noong Marso 2019. Aniya, “So, nung nagkita kami ng story con, kinabahan ako eh. Na-intimidate ako eh. Parang before, akala ko mahirap siyang kausapin at feeling ko, kumbaga, she just answers the question. Isang tanong, isang sagot. Pero hindi pala eh. Nakatulong talaga 'yung we were able to work together in Hong Kong for almost a month.

15 of 20

Thia Thomalla

Naging leading lady ni Alden Richards si Miss Eco International 2018 Thia Thomalla sa 'The Gift.' Kuwento ng aktres noon sa GMANetwork.com, naiyak siya noong nalaman niyang nakuha niya ang first acting gig kasama si Alden. “Sobrang thankful ako! When I got the call, umiyak ako kasi I did not expect to get this role.”

advertisement
16 of 20

Faith

Ani Thia, malaking adjustment para sa kanya ang maging ganap na aktres at makatambal ang Asia's Multimedia Star. “The biggest adjustment is you're portraying a different character, you're not gonna be yourself all the time.” Happily taken ngayon si Thia Thomalla sa kanyang longtime non-showbiz boyfriend.

17 of 20

Mikee Quintos

Maliban kay Thia, naging love interest din ng karakter ni Alden sa 'The Gift' ang karakter ni Mikee Quintos. Gumanap si Mikee bilang si Amor, isang Divisoria vendor na may lihim na pagtingin sa kanyang kababatang si Sep.

18 of 20

Jo Berry

Isang malaking pagkakataon para kay Jo Berry na makasama si Alden Richards sa 2019 teleserye na 'The Gift.' Dito, gumanap si Jo bilang Strawberry, ang adoptive mother ni Sep, na karakter naman ni Alden.

advertisement
19 of 20

Close bond

Bago pa man matapos ang serye, niregaluhan ni Alden si Jo ng isang maliit na foldable rocking chair na magagamit tuwing nagte-taping.