
Since everything is just a click away, mabilis na ang pagsikat o pagiging internet sensation.
Ihanda lang ang vlogging camera, mag-upload ng mga interesting content, at posibleng sumikat ka na.
Ang vlogging din ang naging tulay ng ilang Kapuso stars na ngayon ay napapanood na telebisyon at sinusubaybayan gaya nina Bendict Cua, Jelai Andres, at Ashley Rivera.
Magdadalawang taon nang content creator si Benedict bago maging TV personality.
Mayroon na rin siyang mahigit one million subscribers sa kanyang YouTube channel.
At kamakailan ay nakatanggap siya ng Gold Play Button galing sa YouTube, na malaking milestone para sa mga vloggers na gaya niya.
Ngayong taon, ang papasukin ni Benedict ang showbiz sa pamamagitan ng bagong GMA primetime series na Anak Ni Waray Vs Anak Ni Biday.
Nagsimula rin sa pagiging isang vlogger si Jelai Andres, na napapanood sa top-rating serye na One of the Baes. Mayroon naman siyang mahigit two million subscribers sa YouTube.
Samantala, naging sexy internet sensation muna si Petra Mahalimuyak o mas kilala ng kanyang followers na si Ashley Rivera.
Kasalukuyang napapanood si Ashley sa longest-running gag show na Bubble Gang.
Mas kilalanin sina Benedict, Jelai at Ashley sa pagtatampok ng Unang Balita:
WATCH: Benedict Cua reaches 1M subscribers on YouTube
WATCH: Jelai Andres and Jon Gutierrez 's sweet reunion
WATCH: Maine Mendoza, Ashley Rivera take on #DalagangPilipina challenge