advertisement
Showbiz News

IN PHOTOS: Ang muling pagbangon ni Boobay

1 of 23

Tubong Zambales

Ipinanganak si Boobay sa isang maliit na barangay sa Narciso, Zambales.

2 of 23

Panganay

Panganay si Boobay sa apat na magkakapatid.

3 of 23

Ama

Ang ama ni Boobay ay isang sundalo.

advertisement
4 of 23

Ina

Samantala, ang kanyang ina naman na isang elementary teacher ay pumanaw na noong 2013 dahil sa kidney failure.

5 of 23

Pag-aaral

Masipag mag-aral si Boobay dahil araw-araw niyang nilalakad ng isang oras ang kanyang eskwelahan noon. Ang kanyang childhood dream ay maging isang TV reporter.

6 of 23

Sariling sikap

Upang makatulong sa pamilya, bata pa lamang ay nagtitinda na ng ice candy at singkamas si Boobay.

advertisement
7 of 23

Mt. Pinatubo

Isa sa pinakamasaklap na nangyari sa kanyang buhay ay noong sumabog ang Bulkang Pinatubo. Nawalan sila ng tirahan dahil buong komunidad nila ang pinalibutan ng lahar. Unti-unti namang nakabangon ang kanyang pamilya sa dinanas na unos.

8 of 23

Sinubukang magpakalalaki

Noong siya'y nakatungtong sa high school, naramdaman na raw ni Boobay na may kakaiba sa kanyang kasarian. Itinago niya raw ito at sinubukang magpakalalaki. Sumali pa nga raw siya sa CAT (Citizen Advancement Training) noon.

9 of 23

Kompirmadong bading

Kaya lamang, hindi na talaga niya kayang itago ang kasarian. Second o third year high school siya noong nakumpirma niyang isa siyang bading.

advertisement
10 of 23

GMA KiliTV comedy hunt

Gustong sumikat ni Boobay kaya sumugal siya at pumunta sa Maynila noong 2004. Sumali siya sa GMA contest na KiliTV comedy hunt. Nakapasok siya sa top 15 pero sa kasawiang palad ay hindi niya nasungkit ang titulo.

11 of 23

Idol Ko Si Kap

Pero kahit na hindi nanalo sa nasabing contest, nabigyan ng pagkakataong maging extra si Boobay sa comedy series na 'Idol Ko Si Kap,' ang kanyang unang paglabas sa telebisyon. Ngunit pagkatapos nito ay hindi na ito nasundan.

12 of 23

Kolehiyo

Itinuloy niya ang pag-aaral ng kursong Communication Arts sa St. Louis University sa Baguio City at nakatapos noong 2007.

advertisement
13 of 23

Takeshi's Castle

Taong 2007 din nang dumating ang sumunod na TV project ni Boobay. Napabilang siya sa show ni Joey de Leon na 'Takeshi's Castle.'

14 of 23

Ate Gay

Sunod-sunod naman ang kanyang blessings na natatanggap noon dahil nakilala niya si Ate Gay na siyang nagpasok sa kanya sa comedy bars.

15 of 23

Kapuso

Pagkatapos nito, sunod-sunod na ang offer kay Boobay. Ilan sa Kapuso shows na kanyang kinabilangan ay ang 'Day Off,' 'May Tamang Balita,' 'AHA,' 'Celebrity Bluff' at 'Extra Challenge' kung saan nagsimula ang pagkakaibigan nila ni Marian Rivera.

advertisement
16 of 23

Stroke

Ngunit ngayong taon lamang, dumating ang isa sa pinakamalaking dagok sa buhay ni Boobay. Na-stroke siya nitong Nobyembre kaya't pansamantalang hindi siya napapanood sa telebisyon.

17 of 23

Nakalabas na ng ospital

Matapos ang ilang linggo, nakalabas na ng ospital ang komedyante.

18 of 23

Recovery

Habang tuluyang nagpapagaling si Boobay, nananatili sa kanyang tabi ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Kent Resquir.

advertisement
19 of 23

Pasyal

Sapat na ang lakas ni Boobay para makapamasyal kasama si Kent at ang iba pa nilang mga kaibigan.

20 of 23

With Kendra

Noong nakaraang Pasko, binati ni Boobay ang kanyang mga Instagram followers.

21 of 23

Flight

Lumipad patungong Laoag ang dalawa para magbakasyon.

advertisement
22 of 23

Boobay

Get well soon, Boobay!