advertisement
Showbiz News

15 singing competition alums: Where are they now?

1 of 16

Erik Santos

Nagsimula bilang wildcard contestant si Erik Santos sa first season ng 'Star in a Million,' pero siya ang umuwi bilang champion. Aktibo pa rin bilang singer si Erik sa kanyang home network.

2 of 16

Sheryn Regis

Nakilala bilang 'Crystal Voice of Asia' si Sheryn Regis matapos siyang maging runner-up ni Erik Santos sa first season ng 'Star in a Million.' Hindi man aktibo sa showbiz ngayon, pinagpapatuloy pa rin ni Sheryn ang kanyang singing career.

3 of 16

Christian Bautista

Hindi man umabot sa grand finals ng first season ng 'Star in a Million,' malayo naman ang narating ni Christian Bautista. Kilala siya hindi lamang dito sa Pilipinas kungdi pati sa ibang bansa. Huli siyang napanood bilang isa sa mga judges ng 'Superstar Duets.'

advertisement
4 of 16

Sarah Geronimo

Si Sarah Geronimo ang nanalo sa 'Star for a Night' noong 2003. Bukod sa pagiging isang magaling na singer, pinasok na rin ni Sarah ang pag-arte sa telebisyon at pelikula.

5 of 16

Mark Bautista

Naging runner-up ni Sarah Geronimo si Mark Bautista sa 'Star for a Night.' Naging bahagi siya ng 'Party Pilipinas' at 'Sunday All Stars' bago pasukin ang mundo ng teatro. Balik-eskwela ngayon si Mark sa New York Film Academy.

6 of 16

Rachelle Ann Go

Si Rachelle Ann Go ang naging champion sa 'Search for a Star.' Sa kasalukuyan ay tuloy-tuloy ang pagganda ng kanyang theater career dahil sa kanyang roles sa 'Miss Saigon' at 'Les Miserables.'

advertisement
7 of 16

Frenchie Dy

Si Frenchie Dy ang naging champion sa second season ng 'Star in a Million.' Katatapos lamang ng show nila nina Bituin Escalante at Radha na pinamagatang 'The Big Big Show.'

8 of 16

OJ Mariano

Second runner-up si OJ Mariano sa second season ng 'Star in a Million.' Ngayon ay miyembro na si OJ ng The CompanY at aktibo na rin sa teatro. Naging vocal coach din siya sa multi-platform boyband competition ng GMA, ang 'To The Top.'

9 of 16

Jonalyn Viray

Si Jonalyn Viray ang unang champion ng 'Pinoy Pop Superstar.' Kilala na siya ngayon bilang Jona.

advertisement
10 of 16

Aicelle Santos

Si Aicelle Santos ang kauna-unahang 'Undefeated Superstar' ng 'Pinoy Pop Superstar' sa tatlong seasons nito. Naging runner-up man sa second season ng naturang singing contest, nagkaroon ng record deal si Aicelle at nakilala bilang Aileen sa musical play na 'Rak of Aegis.'

11 of 16

Maricris Garcia

Si Maricris Garcia ang nanalong grand champion sa third season ng 'Pinoy Pop Superstar.' Mapapanood si Maricris sa primetime series na 'Someone To Watch Over Me.' Ikinasal din ang singer-actress sa kanyang non-showbiz boyfriend na si TJ Cruz noong December 16, 2016.

12 of 16

Julie Anne San Jose

Nag-umpisa ang singing career ni Julie Anne San Jose nang sumali siya sa 'Popstar Kids' noong 2005. Hindi man pinalad na manalo, naging matagumpay naman si Julie Anne sa kanyang pagpasok sa showbiz. Ngayon isa na siyang Diamond Record Award recipient dahil sa kanyang first album.

advertisement
13 of 16

Rita Daniela

Si Rita Daniela ang hinirang bilang champion sa 'Popstar Kids.' Katulad ng kanyang batchmate na si Julie Anne San Jose, tinuloy ni Rita ang pagiging singer at actress sa Kapuso network. Kamakailan ay naging contestant din siya ng 'Superstar Duets.'

14 of 16

Hannah Precillas

Si Hannah Precillas ang nanalo sa singing category ng 'Bet ng Bayan.' Ilang teleserye theme songs na ang inawit ni Hannah, kabilang ang 'Nang Dahil Sa'yo' ng 'Hahamakin Ang Lahat' kung saan ka-duet niya si Kristoffer Martin.

15 of 16

Gian Magdangal

Bago pa man sumali sa 'Philippine Idol' kung saan naging runner-up siya, naging miyembro ng grupong 17:28 si Gian Magdangal. Naging performer din siya sa 'Party Pilipinas.' Kasalukuyang nasa Japan si Gian.

advertisement