GMA Logo Marian Rivera
What's Hot

PANOORIN: Performance ni Marian Rivera bilang Elsa para sa 'Gabi Ng Himala'

By Cherry Sun
Published April 23, 2020 11:24 AM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera


Ipinakita ni Marian Rivera na tunay siyang karapat-dapat sa mga natanggap na papuri dahil sa kanyang husay sa pagbibigay-interpretasyon sa iconic role ni Nora Aunor bilang Elsa mula sa pelikulang 'Walang Himala.'

Isang napakahusay at nakakaantig na pagganap ang ipinamalas ni Marian Rivera sa kanyang bagong interpretasyon ng iconic role ni Nora Aunor bilang si Elsa sa pelikulang Walang Himala. Ang ginawang monologue ng Kapuso Primetime Queen ay partisipasyon niya at ng kanyang asawang si Dingdong Dantes para sa online fundraising event na 'Gabi Ng Himala: Mga Awit at Kwento.'

Tumanggap ng kabi-kabilang papuri si Marian dahil sa kanyang ginawang monologue bilang si Elsa. At sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ay nagpaabot siya ng pasasalamat para sa suportang kanyang natanggap.

Aniya, “Maraming salamat para sa pagkakataong magampanan ang iconic scene ng nag iisang Nora Aunor para sa “Gabi ng Himala: Mga Awit at Kwento”. Ito pong aming interpretation ay para sa online fundraising for our displaced film workers. Thank you for this opportunity to do what I love and to help.”

Dagdag din ng First Yaya star, “Maraming salamat sa inyong lahat. Ang mahalaga nakatulong sa kapwa sa kahit anong pamamaraan.”

Ibinahagi rin ni Marian ang dalawang performances niya kung saan nagsilbi bilang kanyang direktor si Dingdong. Sa una ay makikita ang kanyang pagganap na nakatahi sa orihinal na pelikula habang ang ikalawa naman ay ang kanilang modern interpretation sa parehong eksena.

Panoorin:

Maraming salamat para sa pagkakataong magampanan ang iconic scene ng nag iisang Nora Aunor para sa “Gabi ng Himala: Mga Awit at Kwento”. Ito pong aming interpretation ay para sa online fundraising for our displaced film workers. 🙏 Thank you for this opportunity to do what I love and to help. Writer : Ricky Lee Directed by : Dingdong Dantes Edited by: @chuckpinoy #sagippelikula

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes 🇵🇭 (@marianrivera) on

Ang obrang ito ay bahagi ng 'Gabi Ng Himala,' isang fundraiser para sa mga nagtatrabaho sa film industry na natigil ang pangkabuhayan ngayon dahil sa enhanced community quarantine dahil sa COVID-19. Maaaring bisitahin ang Facebook page ng Lockdown Cinema Club para sa may nais magbigay ng kanilang donasyon.