Showbiz News

Jasmine Curtis-Smith, Kris Bernal at Bianca Umali, nagbahagi ng tipid tips ngayong quarantine

By Dianara Alegre

Kanya-kanyang diskarte ng pagtitipid ang publiko lalo na't sumasailalim pa rin ang maraming lugar sa Pilipinas sa modified enhanced community quarantine (MECQ) o general community quarantine (GCQ) dahil sa banta ng COVID-19.

Hindi lang mga ordinaryong tao ang dumidiskarte ngayon dahil ayon sa ilang Kapuso stars, pati ang kanilang income ay apektado rin.

Gaya na lamang ni Descendants of the Sun PH actress Jasmine Curtis-Smith na paminsan-minsan na lang daw nagpapa-deliver ng pagkain para makatipid.

“I learned how to cook a long time ago and I try to apply that now. Kung mayroon man akong order, kumbaga pang-'reward' ko, I make sure na 'yung order ko is good enough to last me. Ang puwede kong iluto ulit in another way,” aniya.

Maramihan o wholesale naman daw ang paraan ng pagbili ng pagkain ng pamilya ni Halfworlds actress Bianca Umali. Bukod sa mas makakatipid ito, nakakaiwas silang pumunta nang madalas sa mga pamilihan.

“Namamalengke kami ng maramihan so 'pag magluluto kami, maraming ulam and that would be good for how many days na. Mas tipid din 'yung kayo mismo 'yung gumagawa ng food ninyo,” ani Bianca.

Ayon naman kay actress-entreprenuer Kris Bernal, nakagawian na niyang ilista ang mga binibiling bagay at nagagastos sa pang-araw-araw para matukoy kung saan napupunta ang perang kanyang kinikita.

“Nakabilang talaga 'yon. Every peso counts sa akin. So if nakuha ko, for example. 'yung sweldo ko, naka-divide siya, e.

“Ten percent of it goes to the church or donation. Another percent for investment, savings, kasi kailangan natin ng emergency funds.

“Tapos siyempre 'yung next na mga everyday expenses ko na, monthly expenses,” sabi ni Kris.

Kanino namana ni Kris Bernal ang pagiging matipid at business-minded?

Panoorin ang buong 24 Oras report: