GMA Logo rocco nacino celebrity business
What's Hot

Rocco Nacino, handang mag-promote ng negosyo para makatulong

By Dianara Alegre
Published June 25, 2020 1:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

rocco nacino celebrity business


Rocco Nacino, Aiai delas Alas, at iba pang Kapuso stars, piniling mag-negosyo sa gitna ng pandemya.

Dahil sa COVID-19 pandemic ay tigil muna ang trabaho ng ilang Kapuso celebrities ngunit hindi ito naging hadlang para matigil din ang kanilang kabuhayan dahil sa mga inilunsad nilang negosyo.

Naging madiskarte ang mga ito at isinaalang-alang ang kalagayan ng bansa para sa pagpili ng kanilang mga sisimulang small and medium size enterprises (SME).

Gaya ni Kapuso actor Derrick Monasterio, isa sa mga owner ng QUARANCLEANPH na isang home service haircut.

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas) on


Inilunsad din ni Comedy Queen Aiai delas Alas ang kanyang Martina's Pastries.

Isa sa mga patok niyang pastry ang tinaguriang pandemic favorite na ube cheese pandesal.

“'Yung pandesal, timpla ko talaga 'yon pero ang nagmamasa 'yung anak ko. Lahat tulung-tulong kaming pamilya.

“Medyo challenging lang do'n sa delivery kasi minsan mahirap lalo na 'pag medyo malayo. Kasi ngayon, same day delivery na kami. Pagkagawa ngayon, ide-deliver na namin,” sabi ni Aiai.

A post shared by Rocco Nacino (@nacinorocco) on


Aiai delas Alas, mas enjoy maging panadera kaysa artista?

Jose Sarasola gives advice to small business owners amid the GCQ

Samantala, pinasok na rin ni Descendants of the Sun (DOTS Ph) Rocco Nacino ang plant business kung saan katuwang niya rito ang girlfriend niyang si Melissa Gohing.

“We started this plant business na tinutulungan ko si Melissa. It's an act of tulungan. I have friends who really sing songs or may bagong businesses sila, sabi ko, 'Just send it to me. Any way I can to promote,” anang aktor.

Rocco Nacino, magkakaroon ng urban gardening tutorial

Dagdag pa niya, handa siyang tumulong sa mga kapwa niya negosyante hangga't kaya niya.

“If may way talaga para makatulong sa kababayan natin, we should,” dagdag pa niya.

Dagdag pa sa listahan ay ang food business ni Bubble Gang babe at DOTS Ph actress Chariz Solomon na nagbebenta ng specialty niyang Salted Egg Shrimp at Garlic Buttered Shrimp.

IN PHOTOS: Celebrity businesses affected by the COVID-19 crisis

Panoorin ang buong Unang Balita report: