GMA Logo aiai delas alas as baker
What's Hot

Aiai delas Alas, mas enjoy maging panadera kaysa artista?

By Cherry Sun
Published May 3, 2020 11:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

aiai delas alas as baker


Baker o artista? Nagkuwento si Aiai delas Alas tungkol sa kanyang parehong career.

Nagbahagi si Aiai delas Alas ng kanyang saloobin sa kanyang career bilang isang panadera at bilang isang artista.

Dahil sa enhanced community quarantine at banta ng COVID-19, pansamantalang natigil ang trabaho ni Aiai bilang isang artista.

At dahil sa pamamalagi niya sa bahay, naisip niyang buhayin ang kanyang natatagong culinary skills at nagsimula ng isang pastry business, ang Martina's Bread and Pastries.

Ang pagbe-bake na kaya ang mas makakahiligang career ng Philippine Queen of Comedy?

Sa kanyang Instagram post, inamin ni Aiai na magkaiba ang nakukuha niyang fulfilment mula sa pagbe-bake at sa pag-aartisa.

Gayunpaman, ang mahalaga ay parehong nagpapasaya ang kanyang dalawang karera.

Aniya, “Parehong masaya .. iba ang fulfillment pag nakikita mo bread mo na maganda, pag artista iba din ang fullfillment pag maganda ang performance mo or pinapalakpakan ka ng tao at natutuwa sila sayo.. yung earnings malayo nga lang hehe .. pero ang mahalaga parehong masaya.”

Parehong masaya .. iba ang fulfillment pag nakikita mo bread mo na maganda, pag artista iba din ang fullfillment pag maganda ang performance mo or pinapalakpakan ka ng tao at natutuwa sila sayo.. yung earnings malayo nga lang hehe .. pero ang mahalaga parehong masaya 😀

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas) on


Isa si Aiai sa celebrities na ginugol ang oras sa pagbe-bake ngayong panahon ng enhanced community quarantine.

Ang iba pang mga artistang nahilig din sa baking ay sina Marian Rivera, Winwyn Marquez, at Marvin Agustin.

Samantala, ginagamit pa rin ni Aiai ang kanyang network at impluwensiya bilang isang artista sa pagtulong sa kabila ng COVID-19 crisis.

Aiai Delas Alas joins fellow comedians in 'COVIDyante' initiative against COVID-19