Showbiz News

Aiai Delas Alas on being a Kapuso again: 'Babalik at babalik ka sa tahanan mo'

By Aaron Brennt Eusebio

Para kay Kapuso Comedy Queen Aiai Delas Alas, babalik at babalik siya sa kanyang unang tahanan, ang GMA Network.

Lingid sa kaalaman ng lahat, sa GMA Network unang nabigyan si Aiai ng break sa showbiz nang mag-host siya ng late-night talk show na R.S.V.P. noong '90s.

“Siyempre, kumbaga, nostalgic sa akin kasi dito ako nag-start,” saad ni Aiai nang pumirma siya ng exclusive contract sa GMA Artist Center.

IN PHOTOS: Aiai Delas Alas signs management contract with GMA Artist Center

“So, 'di ba, 'pag doon ka talaga unang nakatira, babalik at babalik ka sa tahanan mo.

“And that's a milestone for me kasi sa 70 years nila, kasama ako ngayon.”

Pinasalamatan din ni Aiai ang GMA Network sa pagtitiwala sa kanya mula noon hanggang ngayon.

Aniya, “Congratulations and number 1, 70 years na sila industriya na ito.

“Bukod sa congratulations, I'm so happy that I'm a part of their 70 years dito sa industriyang ito dito sa Pilipinas.”

Ibinahagi rin ni Aiai kung ano ang kanyang proudest Kapuso moment sa loob ng kanyang ika-30 taon sa showbiz.

Panoorin:

Aiai Delas Alas wants to stay with GMA for the rest of her career