Kabilang sa mga nanood ng #Julie nitong January 27 sa Music Museum ang boyfriend ni Julie Anne San Jose na si Benjamin Alves.
Ika ng aktres sa mga nanood ng kanyang concert: "Gusto ko pong pasalamatan lahat ng nagpunta ngayon dito sa Music Museum. I'm giving you the warmest hugs and sweetest kisses."
Binirit din ng aktres ang kantang "Pangarap Ko ang Ibigin Ka" ni Asia's Songbird Regine Velasquez.
Pagkatapos ng show ay nakipag-interact ang singer-actress sa kanyang mga fans.
Full support ang boyfriend ni Julie na si Benjamin Alves.