Nagbigay ng patikim ang ilang mga Kapuso stars sa mga programang dapat abangan sa GMA Network na yayanig sa mundo ng telebisyon.
Handa na si Comedy Queen Aiai Delas Alas sa paghahanap sa country's next singing sensation sa 'The Clash' na mapapanood na simula July 7.
Kasama rin ni Aiai si Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista upang kilatisin ang Top 62 clashers.
Umaga pa lang, yayanigin na ang mundo ng telebisyon nina Bing Loyzaga at Zoren Legaspi sa drama series na 'Kapag Nahati Ang Puso' simula July 16.
Isang iconic character na naman ang bibigyang buhay ng beteranang aktres na si Cherie Gil sa upcoming primetime series na 'Onanay.'
Nagpatikim kaagad ang cast ng serye ng kanilang maiinit na eksena.
Dedicated si Jo sa kanyang craft kahit na baguhan pa lang siya sa industriya.
Sa costume pa lang, masasabi na talagang pinaghandaang maigi ang serye.
Sumailalim sa masusing training ang cast ng serye para sa mga fight scenes.