Article Inside Page
Showbiz News
Nakilala sa mga kontrabida roles na kanyang ginampanan, ang pinakahuli na nga ay sa
Indio, muling mapapanood si Ryan Eigenmann sa kanyang pinakamainit na palabas sa GMA Afternoon Prime, ang
Pyra Babaeng Apoy.

Panganay na anak ng mga batikang artista na sina Michael de Mesa at Gina Alajar at kabilang sa showbiz clan ng mga Eigenmann si Ryan. Nakilala sa mga kontrabida roles na kanyang ginampanan, ang pinakahuli na nga ay sa
Indio, muling mapapanood ang Kapuso actor sa kanyang pinakamainit na palabas sa GMA Afternoon Prime, ang
Pyra Babaeng Apoy.
Last August 22, 2013 at the press conference of
Pyra Babaeng Apoy, GMANetwork.com caught up with the character actor for an exclusive interview.
Nang kamustahin ang kanyang pagbabalik sa telebisyon, “It’s always a nice feeling to go back to work pagkatapos mag-break. Parang race horse na matagal hindi pinagkarera. Gets the blood flowing, gets the adrenaline going,” ang kanyang nasabi pagkatapos ng dalawang buwang pagkawala sa limelight.
Pagdating naman sa pag-arte, “Iyon ‘yung hilig ko talagang gawin. I’m at my happiest when I’m working,” he shares.
Bibigyang buhay ni Ryan ang pagkatao ni Daniel del Fierro na naging rason para mawalay si Pyra (Thea Tolentino) sa kanyang tunay na ina (Roxanne Guinoo).
“I always say this, kahit naman puro kontrabida roles ang ibinibigay sa iyo, you never take the role for granted. Try mo ibahin para hindi magsawa ang tao na panuorin ka,” ang kanyang advice para sa mga artistang nagnanais na mapabuti at maging kapani-paniwala ang kanilang pagganap sa mga kontrabida roles.
Dagdag pa niya, “You never say, ‘Alam ko na iyan. Alam ko ng gawin iyan. Lagi ko ng ginagawa iyan’ you always try to give something different,” he humbly says.
Sa pagtatapos ng aming interview, tinanong namin na bukod sa pagiging kontrabida, meron ba siyang dream role? “I want to save the world from an alien invasion or a zombie apocalypse,” tugon niya.
Catch Ryan Eigenmann in the GMA Afternoon Prime block as he plays Daniel del Fierro in
Pyra Babaeng Apoy after
Maghihintay Pa Rin, 4:15PM, only on GMA. Keep visiting www.gmanetwork.com for updates on your favorite Kapuso shows and stars. --
Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com.