TV

Dennis Trillo, magbibigay-boses sa bida ng 'Train to Busan'

By CHERRY SUN

 

 

Ipapalabas sa Kapuso channel ang 2016 South Korean zombie apocalypse-action-thriller film na Train to Busan, at walang iba kundi si Dennis Trillo ang magbibigay-boses sa bida nito.

Nakamit ng GMA Network ang rights para ipalabas ang tagalized version ng pelikula, at si Dennis ang tanging napusuan na mag-dub para rito. Laking-galak naman daw ng aktor dahil isa sa mga paborito niya ang Train to Busan.

Wika niya, “Masaya at saka flattered kasi ‘yun na nga, katulad ng sinabi ko, isa ‘to sa mga paborito kong Korean movies. Lalo na, gustong gusto ko ‘yung kung papaano siya ginawa, kung papaano inarte ng mga characters ‘yung mga roles nila. Talagang nung nalaman ko na ako ‘yung pinili nila para mag-dub, sabi ko, ‘Sige. Kailan natin gagawin?’”

Dagdag din ng aktor na iba ang challenge ng ginawa niyang pagda-dub.

Ani Dennis, “Para gawing magmukhang natural siya, medyo kailangan bigyan mo ng konting effort pa. Kasi ‘yun na nga, kailangan mo i-sync ‘yung timing nung mga pag-syllabicate mo ng mga words. ‘Yung emosyon din kailangan ma-incorporate mo doon sa mga eksenang ginagawa.”

MORE ON DENNIS TRILLO:

WATCH: Dennis Trillo, bakit kabado sa paghahanda sa biggest Kapuso telefantasya series na Mulawin VS Ravena?

LOOK: Dennis Trillo wins his first FAMAS best actor award