TV

EXCLUSIVE: Jillian Ward, nahirapan sa mga eksena niya sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko'?

By AEDRIANNE ACAR

Maraming fans ng former child star na si Jillian Ward ang matutuwa na muling magbibidaito sa isang bagong TV show ng GMA. Una nang napamahal sa mga manonood ang ngayon ay dalaga ng aktres dahil sa iconic role niya sa Trudis Liit.

Kabilang ang Kapuso tween sa kid fantasy series na Daig Kayo Ng Lola Ko, kung saan makakasama niya ang veteran star na si Gloria Romero, David Remo, Chlaui Malayao at Julius Miguel.

WATCH: Mapupuno ng magic ang summer n'yo, mga Kapuso!

Sa exclusive interview ni Jillian sa GMANetwork.com, aminado ito na sa umpisa ay nahirapan siya sa mga eksena niya sa Daig Kayo Ng Lola Ko, lalo na at ang huling project niya ay ang heavy drama na Sa Piling Ni Nanay.

“'Yun nga po, masaya lang po, parang chill lang, unlike po sa Sa Piling Ni Nanay parang talagang kada eksena, talagang nagpre-prepare po kami.”

“Kaya nga po one time po ‘yung lines ko medyo sanay pa rin po ako ‘yung sa dramatic na pag-lines. Kaya sabi ni Direk Rico ‘Jillian less dramatic [laughs] kasi medyo ano po ito medyo fantasy po at saka parang comedy.”

Hindi din daw mahirap ang naging adjustment niya sa bagong niyang project, dahil napakagaankatrabaho ng kanyang mga co-stars lalo na si Lola Gloria Romero.

“Mababait po sila lalo na po si David [Remo] kasi naka-trabaho ko na po siya dati sa  Pari ‘Koy kaya close po talaga kami. Tapos si Chlaui [Malayao] din po mabait din. Lalo na po si Lola Glo [Gloria Romero] sobrang bait.”

Photo by: therealjillianward (IG)

MORE ON 'DAIG KAYO NG LOLA KO':

LOOK: Marian Rivera shoots for the newest children fantasy series of GMA

#NasaanAngHustisya: Marian Rivera litaw pa rin ang ganda kahit madungis