TV

Dingdong Dantes nagbigay pugay sa mga stuntmen ng 'Alyas Robin Hood'

By AEDRIANNE ACAR

Bago matapos ang high-rating primetime series na Alyas Robin Hood kahapon, February 24 hindi nakalimutang pasalamatan ng Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang mga tao sa likod ng kaniyang show.

Sa kaniyang Instagram post, binigyang papuri ni Dingdong ang mga magagaling na stuntmen ng Alyas Robin Hood.

Saad niya, “In our line of work, this is what we call SAKRIPAIS! Isang snappy saludo sa aming mahuhusay na stuntmen sa #alyasrobinhood.”


Napabilib naman ang Encantadia hunk na si Ruru Madrid sa husay ng Kapuso Primetime King at mga stuntmen ng show.

 

 

MORE ON 'ALYAS ROBIN HOOD':

 

WATCH: Andrea Torres, aminadong magkakaroon ng separation anxiety sa kanyang role sa 'Alyas Robin Hood'

Dingdong Dantes malaki ang pasasalamat sa mga tumutok sa 'Alyas Robin Hood'