TV

Paolo Contis to Sid Lucero: 'Galing mong kontrabida eh! Ni minsan hindi ka tinamaan ng bala ko'

By AEDRIANNE ACAR

Lumabas ang pagiging comedian ng Kapuso actor na si Paolo Contis nang magbigay ito ng mensahe para sa mga co-stars niya sa katatapos pa lamang na primetime series na Alyas Robin Hood.

May nakakatawang biro ang Bubble Gang mainstay kay Sid Lucero na gumanap na kontrabida na si Dean Balbuena.

Saad ni Paolo sa Instagram post, “Hi Dean Balbuena! Pwede bang pirmahan mo tong shirt ko?? Ang galing mong kontrabida eh! Ni minsan hindi ka tinamaan ng bala ko eh!! #AlyasRobinHood #AcostaVsBalbuena #PataposNaAngShow”


Nagpasalamat din si Paolo na nakatrabaho niya sa high-rating program ang nag-iisang Kapuso Primetime King, Dingdong Dantes.

“The Calm After The Storm After months of working, tapos na ang misyon namin ni #AlyasRobinHood and as usual, it's been a pleasure working with you my friend @dongdantes hanggang sa susunod nating misyon??? for now, enjoyin muna natin ang katahimikan... #SEAyouSOoN2 #AcostaSigningOff”


Kinongratulate din ng Legally Blind actress Janine Gutierrez si Paolo Contis sa success ng kanilang show.

 

 

MORE ON 'ALYAS ROBIN HOOD':

WATCH: Andrea Torres, aminadong magkakaroon ng separation anxiety sa kanyang role sa 'Alyas Robin Hood'

Dingdong Dantes malaki ang pasasalamat sa mga tumutok sa 'Alyas Robin Hood'