TV

Dingdong Dantes, balik taping na sa 'Amazing Earth'

By Maine Aquino

Muling nagbalik-taping ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa kanyang programa tuwing Linggo na Amazing Earth..

Sa kanyang Instagram account ipinakita ni Dingdong ang kanyang unang beses ng pagbabalik trabaho para sa kanyang programa.

Saad ni Dingdong sa kanyang post nagtatanggal lamang umano siya ng face mask kapag siya ay nasa bahay at lugar na kung saan itinuturing niyang tahanan - ang GMA Network.

"I only remove my mask when I'm at home, and in a place where I am safe because it feels like home.Officially reported for duty this morning at @gmanetwork to deliver fresh episodes for Amazing Earth."

Nagbiro pa si Dingdong at sinabing hiniram niya mun ang suot na chaleko sa kapwa niya Kapuso na si Howie Severino. "Pahiram po muna ng iyong chaleko, ginoong Howie Severino, at magsisimula na muli akong magkuwento. #AmazingEarth."



Abangan ang fresh episodes ng Amazing Earth soon on GMA Network.

Lolit Solis commends Dingdong Dantes's leadership for establishing AKTOR

Riders ng delivery app ni Dingdong Dantes, nagsimula na ang training