TV

Rayver Cruz thanks Kris Bernal and Thea Tolentino for 'Asawa Ko, Karibal Ko'

By Bianca Geli

Nagpasalamat ang Asawa Ko, Karibal Ko actor na si Rayver Cruz sa kaniyang co-stars na sina Kris Bernal at Thea Tolentino sa binigay nilang talento para sa programa at sa pagkakaibigang nabuo sa kanilang tatlo.

Rayver Cruz, Kris Bernal and Thea Tolentino

Aniya, “Ang bilis, nag last episode na tayo kanina hehe mamimiss ko kayong dalawa Kris and Thea salamat kasi bukod sa napaka husay nyong artista eh sobrang bait nyo pa sa'kin, blessed ako na kayo ang nakasama ko and syempre Direk Mark hahaha salamat sa lahat pati sa pag alaga at pag tutok samin kahit na makukulit kami sa set, love you direk!”

Nais din daw ni Rayver na magkatrabaho pa silang muli sa ibang future projects.

Sabi niya, “Sana magka-trabaho pa tayo ng maraming beses! At sa lahat lahat ng bumubuo ng show namin na Asawa Ko, Karibal Ko, maraming maraming salamat po. Mahirap isa isahin pero mahal ko po kayong lahat!"

Dagdag niya, “Lastly sa lahat ng viewers and lahat ng naka support sa show namin and sa mga shows ng GMA 7 thank you very much po! Hangang sa muli.️”


Ang Asawa Ko, Karibal Ko ang unang teleserye ni Rayver Cruz simula nang magbalik siya sa GMA Network.

READ: Kris Bernal at Thea Tolentino, taos-pusong nagpasalamat sa 'Asawa Ko, Karibal Ko'