TV

EXCLUSIVE: Diego Llorico, masaya sa success ng kanyang former 'Bubble Gang' co-stars na sina Toni Gonzaga at Ellen Adarna

By Aedrianne Acar

 

 

Hindi maitago ng Bubble Gang mainstay na si Diego Llorico ang labis na kasiyahan dahil ilang buwan na lamang ay ipagdiriwang na ng gag show ang kanilang 22nd anniversary.

EXCLUSIVE: Anong show ang naging susi para kumapal ang mukha ni Andrea Torres?

Ang Kapuso comedian, na dati ay tumatayong production assistant, ay kabilang na ngayon sa bankable stars ng naturang gag show. Sa one-on-one interview ni Diego sa GMANetwork.com, naikuwento niya na hindi siya makapaniwala na tumagal nang dalawang dekada ang award-winning comedy program.

Aniya, “Siyempre masiya. Nararamdaman mo ‘yung tumatanda [ka] na [laughs]. Siyempre nagtagal kami nang ganito and sana mas marami pang taon ang dumating.”

Proud din ang comedian na naging training ground ang Bubble Gang ng ilan sa mga sikat na bituin sa showbiz tulad na lang nina Toni Gonzaga at Ellen Adarna.

Ani Diego, “Nakakatuwa kasi maraming nag-start sa Bubble Gang, tapos ngayon nakikilala na sila. May napatunayan na sila. Nakakatuwa kasi parang ito ‘yung naging training ground nila.”

Nagkuwento rin siya kung ano ang pinakanaaalala niya sa Ultimate Multimedia star na si Toni. Saad niya, “Si Toni kasi batang-bata pa nung nasa Bubble Gang, neneng-neneng pa talaga. Sobrang makulit siya noon. Pero alam mo na, just like any other young girl, dikit sa nanay. Mabait naman si Toni.”

Samantala, hanga naman daw si Diego kay Ellen dahil sa ganda nito.

Ibinahagi din ng komedyante ang ginagawa nilang malaking production para sa kanilang 22nd anniversary na ipapalabas sa darating na Nobyembre. Aminado ang Atlit star na hindi raw siya sanay sa ganitong kalaking show.

“Isang kakaibang palabas ang aabangan ng mga tao. First time naming gagawin, mahirap talaga.  Sobrang haba ng preparations, sobrang hirap. Ako hindi ako sanay sa ganun kaya medyo natatakot ako pero siyempre gagawin namin ‘yung best para maging kakaiba ‘yung presentation ng anniversary,” pagtatapos niya.